Thursday, 12 November 2015
Yung hindi ka iiwan
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan, yan ang kanta ni Sam Milby na talagang pinanghahawakan ng mga taong inlab sa kanilang mga minamahal.
Ako, naranasan kong mainlove siyempre ang sarap kaya magmahal lalo na't mahal ka rin ng tao. Bilang isang taong inlab nabitawan ko na rin ang salitang "HINDI KITA IIWAN" siyempre nakarinig narin ako ng mga mabulaklak na salitang "HINDI RIN KITA IIWAN" at kung ano ano pang mga pangako . Alam ko na alam niyo na habang naririnig niyo ang mga salitang ito for sure kikiligin kayo diba lalo na pag yung mahal mo ang nagsabi.. pero alam kong maraming makakarelate dito dahil sa tamis ng mga pangakong ito sa dulo ay makakaranas ng bitterness.
bakit nga ba nagkaroon ng salitang BROKEN HEARTED?
base sa aking karanasan pagdating sa pagmamahal eto ang masasabi ko .
1. ATAT KA
isa ito sa mga dahilan kaya nabrobroken hearted tayo. Ang pagmamadali. Yung tipong nakakita ka ng taong nagpasaya lang agad sayo o di naman nagpakilig agad sayo eh SIYA NA AGAD ANG NAGPAPATIBOK NG PUSO MO. Edi wow! ikaw na magdesisyon sa sarili mo . Ito kasi ang mali sa atin laging ako! ako! ako! bakit hindi natin masabi to "Lord God hindi po ang gusto ko ang masusunod kundi po ang Iyong kagustuhan" kung gusto mong hindi masaktan magtiwala ka sa KANYA. kung gaano kaganda ang plano ng mga magulang natin sa atin how much more ang plano ni LORD diba?
2. WRONG PERSON
sabihin nating ang minahal mo ay ganito . NA SAYO NA ANG LAHAT!!! kanta ni Daniel Padilla . I mean maganda or pogi, mayaman, matalino, macho as in lahat lahat ng magagandang katangian. pero ang tanong? yun ba ang gusto ni Lord para sayo ? o baka naman sariling kagustuhan. tapos pag pag iniwan ang sasabihin mo Lord ano ang nagawa kong mali? bakit mo ko pinabayaan? baka sabihin ni Lord sa'yo "anak kaya ko hinayaang iwan ka ng taong yan dahil nilalayo ka na niya sa akin" . ayaw ba natin si Lord ang magbibigay ng para sa atin for sure magiging masaya tayo kasama si Lord. Dapat sa pagmamahal parang triangle yan ikaw ung nasa kaliwa at ung minamahal mo ay nasa kanan, tapos si God ang nasa itaas nito. Habang papalapit tayo ng papalapit kay Lord lalo tayong lumalapit sa isa't isa. diba ang saya? JESUS BE THE CENTER OF OUR LIVES.
3.PINAGPRAY MO BA?
yan ang tanong, pinagpray mo ba? kung hindi magdasal kana, baka nga siya na ! pero kung failure, alam mo na san ka nagkamali . Napakapowerful ang prayer kapatid . Ng dahil sa panalangin at pananampalataya natin kay Lord ang mga imposible ay posible dahil sa Kanya! kaya kapatid PRAY WITHOUT CEASING. WAG LANG MAGPRAY PAG MAY SISIG!.
4. SA TAMANG PANAHON
para sayo ano ba ang tamang panahon? lahat ng nangyayari sa mundo ay nasa tamang panahon. kung nasasaktan ka ngayon ibig sabihin ba nuon nasa tamang panahon ka masaktan? yes why? because God has a reason why nasasaktan ka . at sa mga nagtatanong ano ba talaga ang tamang panahon? eto lang masasabi ko.God's time is always in perfect time.
Kaya nga guys mahirap umaasa sa pangako ng tao, pero ang pangako ng Diyos na HINDI KITA IIWAN, HINDI KITA PABABAYAAN ay totoo yan, ranas ko na yan. nawala na lahat lahat sa akin. lahat ng kaibigan, lahat ng libangan, lahat ng business, lahat ng meron sakin pero narealize ko anjan si Lord never siya nawala sa piling ko.!!
AMEN!! GODBLESS!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment