Sunday, 8 November 2015

talon ka ba ng talon?


Ang makikita mo sa larawan ay isang tipaklong, tama po ba? Para sa inyo ano ang ginagawa ng Tipaklong? ayan pag isipan niyo :) isa sa mga katangian ng tipaklong ay ang kanyang pagtalon talon tama po ba? 

Ngayon i want to share to you guys ang relasyong patalon-talon. Hindi masama umiibig. Hindi masama magkaroon ng isang relasyon basta ang nasa gitna ng relasyon ninyo ay si Lord, at lalong lalo hindi masama ang magmahal basta nasa tama.

Sa panahon ngayon marami nakong nakita, nabalitaan at nabasa tungkol sa after 1 relationship go to another relationship, karamihan pa nga pinagsasabay sabay nila dahil sa own desires. kung isa ka sa mga ito, mapalad ka kapatid dahil ginamit ako ni Lord para maconvict ka para magbago. 

In old times in my life naexperience ko tong mga bagay na ito, TALON AKO NG TALON, means paghindi ako masaya sa isang relasyon nakikipaghiwalay ako at papasok ulit ako sa panibagong relasyon. kung baga naghahanap ako ng perfect relationship or tawagin na lang nating "SELFISHNESS" . dahil nga sa kagustuhan kong magkaroon ng gusto kong relasyon dumating yung point na pinagsasabay sabay ko lahat kung baga sa calendaryo my monthsary ako ng 1, 14, 25, at marami pang iba.  Alam niyo guys HINDI AKO NAGING MASAYA, ou nandoon na nakukuha ko mga kagustuhan ko pero deep inside in my heart hindi ako masaya. Hanggang nagpray ako kay Lord ng ganito "Lord help me maayos ang buhay ko" ang ikli ng prayer ko dahil tamad din ako manalangin nuon, pero dahil sa panalangin grabe ginawa ni Lord sa buhay. talagang na EXPOSE lahat ng ginawa kong kalokohan pagdating sa pakikipagrelasyon. Noong una hindi ko maintindihan bakit ganon nangyari sakin pero guys tandaan natin HINDI TAYO MAKAKARANAS NG SAKIT AT SAMA NG LOOB KUNG WALA TAYONG GINAWANG MASAMA SA IBA. 

Tandaan natin masakit ang masaktan. kaya huwag na huwag nating paglaruan ang pakikipagrelasyon. Dahil kapag pinaglalaruan mo matakot ka kapatid, matakot ka kay God baka mawala lahat sayo.

kung curious ka sa mga bagay na papalit palit ng relasyon or pagsabay sabayin ang pakikipagrelasyon, Huwag niyo ng subukan. Ako na nagsasabi sa inyo mahirap kapag PINAALAHAN KA NI LORD.  

Higit sa lahat huwag muna natin isipin ang pakikipagrelasyon or pagkakaroon ng BF or GF kasi baka masaktan ka lang sa huli kapatid, i mean OO GUSTO MO NA MAGKAROON NG BF OR GF ANG TANONG MY RELASYON KANA BA KAY LORD? KAMUSTA ANG RELASYON MO KAY LORD? 


No comments:

Post a Comment